Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an

Filipino (Tagalog) Translation

Scan the qr code to link to this page

سورة العلق - Sūrah Al-`Alaq (Ang Malalinta)

Numero ng Pahina

Ayah

Paglalahad ng Teksto ng Ayah
Paglalahad ng Talababa

Ayah : 1
ٱقۡرَأۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلَّذِي خَلَقَ
Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,
Ayah : 2
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِنۡ عَلَقٍ
lumikha sa tao mula sa isang malalinta.
Ayah : 3
ٱقۡرَأۡ وَرَبُّكَ ٱلۡأَكۡرَمُ
Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay,
Ayah : 4
ٱلَّذِي عَلَّمَ بِٱلۡقَلَمِ
na nagturo sa pamamagitan ng panulat,
Ayah : 5
عَلَّمَ ٱلۡإِنسَٰنَ مَا لَمۡ يَعۡلَمۡ
nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.
Ayah : 6
كَلَّآ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَيَطۡغَىٰٓ
Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmamalabis
Ayah : 7
أَن رَّءَاهُ ٱسۡتَغۡنَىٰٓ
dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat.[739]
[739] sa yaman at katayuan sa buhay
Ayah : 8
إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلرُّجۡعَىٰٓ
Tunay na tungo sa Panginoon mo ang [huling] pagbabalikan.
Ayah : 9
أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يَنۡهَىٰ
Nakakita ka ba sa sumasaway
Ayah : 10
عَبۡدًا إِذَا صَلَّىٰٓ
sa isang lingkod [ni Allāh] kapag nagdasal ito?
Ayah : 11
أَرَءَيۡتَ إِن كَانَ عَلَى ٱلۡهُدَىٰٓ
Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay,
Ayah : 12
أَوۡ أَمَرَ بِٱلتَّقۡوَىٰٓ
o nag-utos ng pangingilag magkasala?
Ayah : 13
أَرَءَيۡتَ إِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰٓ
Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya [inihatid ng Sugo] o tumalikod siya?
Ayah : 14
أَلَمۡ يَعۡلَم بِأَنَّ ٱللَّهَ يَرَىٰ
Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nakakikita [ng ginagawa niya]?
Ayah : 15
كَلَّا لَئِن لَّمۡ يَنتَهِ لَنَسۡفَعَۢا بِٱلنَّاصِيَةِ
Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan:
Ayah : 16
نَاصِيَةٖ كَٰذِبَةٍ خَاطِئَةٖ
isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali.
Ayah : 17
فَلۡيَدۡعُ نَادِيَهُۥ
Kaya tumawag siya sa kapulungan niya.
Ayah : 18
سَنَدۡعُ ٱلزَّبَانِيَةَ
Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno].[740]
[740] ang mga anghel na mababagsik
Ayah : 19
كَلَّا لَا تُطِعۡهُ وَٱسۡجُدۡۤ وَٱقۡتَرِب۩
Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh].
Matagumpay na Naipadala