Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an

Filipino (Tagalog) Translation

Scan the qr code to link to this page

سورة التين - Sūrah At-Tīn (Ang Igos)

Numero ng Pahina

Ayah

Paglalahad ng Teksto ng Ayah
Paglalahad ng Talababa

Ayah : 1
وَٱلتِّينِ وَٱلزَّيۡتُونِ
Sumpa man sa igos at oliba,[736]
[736] na tumutubo sa Palestina, ang bayan ni Propeta Jesus
Ayah : 2
وَطُورِ سِينِينَ
sumpa man sa kabundukan ng Sinai,[737]
[737] na nakipag-usap doon si Propeta Moises kay Allāh
Ayah : 3
وَهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ ٱلۡأَمِينِ
sumpa man sa matiwasay na bayang ito;[738]
[738] ng Makkah na bayan ni Propeta Muhammad
Ayah : 4
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ فِيٓ أَحۡسَنِ تَقۡوِيمٖ
talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog.
Ayah : 5
ثُمَّ رَدَدۡنَٰهُ أَسۡفَلَ سَٰفِلِينَ
Pagkatapos nagpanauli Kami sa kanya sa pinakamababa sa mga mababa,
Ayah : 6
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَلَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونٖ
maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sapagkat ukol sa kanila [sa Paraiso] ay isang pabuyang hindi matitigil.
Ayah : 7
فَمَا يُكَذِّبُكَ بَعۡدُ بِٱلدِّينِ
Kaya ano ang nagpapasinungaling sa iyo, matapos nito, sa [Araw ng] Pagtutumbas?
Ayah : 8
أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِأَحۡكَمِ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Hindi ba si Allāh ay ang pinakahukom ng mga hukom?
Matagumpay na Naipadala