Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an

Filipino (Tagalog) Translation

Scan the qr code to link to this page

سورة الأعلى - Sūrah Al-A`lā (Ang Pinakamataas)

Numero ng Pahina

Ayah

Paglalahad ng Teksto ng Ayah
Paglalahad ng Talababa

Ayah : 1
سَبِّحِ ٱسۡمَ رَبِّكَ ٱلۡأَعۡلَى
Magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Pinakamataas,
Ayah : 2
ٱلَّذِي خَلَقَ فَسَوَّىٰ
na lumikha saka humubog,
Ayah : 3
وَٱلَّذِي قَدَّرَ فَهَدَىٰ
na nagtakda saka nagpatnubay,
Ayah : 4
وَٱلَّذِيٓ أَخۡرَجَ ٱلۡمَرۡعَىٰ
na nagpalabas ng pastulan,
Ayah : 5
فَجَعَلَهُۥ غُثَآءً أَحۡوَىٰ
saka gumawa Siya rito na yagit na nangingitim.
Ayah : 6
سَنُقۡرِئُكَ فَلَا تَنسَىٰٓ
Magpapabigkas Kami sa iyo[730] kaya hindi ka makalilimot,
[730] ng Qur’an, O Propeta Muhammad
Ayah : 7
إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ وَمَا يَخۡفَىٰ
maliban sa niloob ni Allāh. Tunay na Siya ay nakaaalam sa lantad at anumang nagkukubli.
Ayah : 8
وَنُيَسِّرُكَ لِلۡيُسۡرَىٰ
Magpapadali Kami sa iyo para sa pinakamadali.
Ayah : 9
فَذَكِّرۡ إِن نَّفَعَتِ ٱلذِّكۡرَىٰ
Kaya magpaalaala ka kung mapakikinabangan ang paalaala.
Ayah : 10
سَيَذَّكَّرُ مَن يَخۡشَىٰ
Magsasaalaala ang sinumang natatakot [kay Allāh]
Ayah : 11
وَيَتَجَنَّبُهَا ٱلۡأَشۡقَى
at umiiwas dito ang pinakamalumbay,
Ayah : 12
ٱلَّذِي يَصۡلَى ٱلنَّارَ ٱلۡكُبۡرَىٰ
na masusunog sa Apoy na pinakamalaki.
Ayah : 13
ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ
Pagkatapos hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay.
Ayah : 14
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن تَزَكَّىٰ
Nagtagumpay nga ang sinumang nagpakabusilak [mula sa kasamaan]
Ayah : 15
وَذَكَرَ ٱسۡمَ رَبِّهِۦ فَصَلَّىٰ
at bumanggit sa ngalan ng Panginoon niya saka nagdasal.

Ayah : 16
بَلۡ تُؤۡثِرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Bagkus nagtatangi kayo ng buhay na pangmundo
Ayah : 17
وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ
samantalang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nananatili.
Ayah : 18
إِنَّ هَٰذَا لَفِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ
Tunay na ito ay talagang nasa mga unang kalatas,
Ayah : 19
صُحُفِ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ
na mga kalatas nina Abraham at Moises.
Matagumpay na Naipadala