Ayah :
1
إِذَا زُلۡزِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ زِلۡزَالَهَا
Kapag niyanig ang lupa sa [huling] pagyanig nito,
Ayah :
2
وَأَخۡرَجَتِ ٱلۡأَرۡضُ أَثۡقَالَهَا
at nagpalabas ang lupa ng mga pabigat nito,
Ayah :
3
وَقَالَ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا لَهَا
at nagsabi ang tao: “Ano ang mayroon dito?” –
Ayah :
4
يَوۡمَئِذٖ تُحَدِّثُ أَخۡبَارَهَا
sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito
Ayah :
5
بِأَنَّ رَبَّكَ أَوۡحَىٰ لَهَا
dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito.
Ayah :
6
يَوۡمَئِذٖ يَصۡدُرُ ٱلنَّاسُ أَشۡتَاتٗا لِّيُرَوۡاْ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Sa Araw na iyon ay hahayo ang mga tao nang hiwa-hiwalay upang pakitaan sila ng mga gawa nila.
Ayah :
7
فَمَن يَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةٍ خَيۡرٗا يَرَهُۥ
Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,
Ayah :
8
وَمَن يَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖ شَرّٗا يَرَهُۥ
at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.