Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an

Filipino (Tagalog) Translation

Scan the qr code to link to this page

سورة النازعات - Sūrah An-Nāzi`āt (Ang mga Nag-aalis)

Numero ng Pahina

Ayah

Paglalahad ng Teksto ng Ayah
Paglalahad ng Talababa

Ayah : 1
وَٱلنَّٰزِعَٰتِ غَرۡقٗا
Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis[706] sa isang paghatak [na marahas],
[706] ng kaluluwa ng tagatangging sumampalataya
Ayah : 2
وَٱلنَّٰشِطَٰتِ نَشۡطٗا
sumpa man sa mga [anghel na] humahablot[707] sa isang paghunos [malumanay],
[707] ng kaluluwa ng mananampalataya
Ayah : 3
وَٱلسَّٰبِحَٰتِ سَبۡحٗا
sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy,[708]
[708] mula sa langit papunta sa lupa
Ayah : 4
فَٱلسَّٰبِقَٰتِ سَبۡقٗا
saka sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima],
Ayah : 5
فَٱلۡمُدَبِّرَٰتِ أَمۡرٗا
saka sa mga [anghel na] nagpapatupad ng utos,
Ayah : 6
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ
sa araw na yayanig ang tagayanig,[709]
[709] sa unang pag-ihip sa tambuli
Ayah : 7
تَتۡبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ
at susunod dito ang kasunod [na pag-ihip sa tambuli].[710]
[710] na pag-ihip sa tambuli
Ayah : 8
قُلُوبٞ يَوۡمَئِذٖ وَاجِفَةٌ
May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.
Ayah : 9
أَبۡصَٰرُهَا خَٰشِعَةٞ
Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakumbaba.
Ayah : 10
يَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرۡدُودُونَ فِي ٱلۡحَافِرَةِ
Nagsasabi sila [sa Mundo]: “Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan?
Ayah : 11
أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا نَّخِرَةٗ
Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?”
Ayah : 12
قَالُواْ تِلۡكَ إِذٗا كَرَّةٌ خَاسِرَةٞ
Magsasabi sila: “Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi.”
Ayah : 13
فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ
Ngunit ito[711] ay nag-iisang bulyaw lamang,
[711] ang ikalawang pag-ihip sa tambuli sa pagkabuhay
Ayah : 14
فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ
saka biglang sila ay [buhay] sa balat ng lupa.
Ayah : 15
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ
Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?

Ayah : 16
إِذۡ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى
Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:
Ayah : 17
ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ
“Pumunta ka kay Paraon – tunay na siya ay nagmalabis –
Ayah : 18
فَقُلۡ هَل لَّكَ إِلَىٰٓ أَن تَزَكَّىٰ
saka magsabi ka: Ukol kaya sa iyo na magpakabusilak ka
Ayah : 19
وَأَهۡدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخۡشَىٰ
at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?”
Ayah : 20
فَأَرَىٰهُ ٱلۡأٓيَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰ
Kaya ipinakita niya[712] rito ang tandang pinakamalaki[713] [na himala ng tungkod at puting kamay],
[712] si Moises [713] na himala ng tungkod at putting kamay
Ayah : 21
فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ
ngunit nagpasinungaling ito[714] at sumuway ito.
[714] si Paraon
Ayah : 22
ثُمَّ أَدۡبَرَ يَسۡعَىٰ
Pagkatapos tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises].
Ayah : 23
فَحَشَرَ فَنَادَىٰ
Kaya kumalap ito [ng mga kawal] saka nanawagan
Ayah : 24
فَقَالَ أَنَا۠ رَبُّكُمُ ٱلۡأَعۡلَىٰ
saka nagsabi: “Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas.”
Ayah : 25
فَأَخَذَهُ ٱللَّهُ نَكَالَ ٱلۡأٓخِرَةِ وَٱلۡأُولَىٰٓ
Kaya nagpataw rito si Allāh ng parusang panghalimbawa[715] sa Kabilang-buhay at Unang-buhay.
[715] sa pamamagitan ng pagkalunod sa Mundo at pagpasok sa pinakamatinding pagdurusa sa Kabilang-buhay.
Ayah : 26
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰٓ
Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa sinumang natatakot [kay Allāh].
Ayah : 27
ءَأَنتُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَمِ ٱلسَّمَآءُۚ بَنَىٰهَا
Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?
Ayah : 28
رَفَعَ سَمۡكَهَا فَسَوَّىٰهَا
Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito.
Ayah : 29
وَأَغۡطَشَ لَيۡلَهَا وَأَخۡرَجَ ضُحَىٰهَا
Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.
Ayah : 30
وَٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ دَحَىٰهَآ
Sa lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya nito.
Ayah : 31
أَخۡرَجَ مِنۡهَا مَآءَهَا وَمَرۡعَىٰهَا
Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.
Ayah : 32
وَٱلۡجِبَالَ أَرۡسَىٰهَا
Sa mga bundok ay nag-angkla,
Ayah : 33
مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ
bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.
Ayah : 34
فَإِذَا جَآءَتِ ٱلطَّآمَّةُ ٱلۡكُبۡرَىٰ
Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki –
Ayah : 35
يَوۡمَ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا سَعَىٰ
sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya [na mabuti o masama]
Ayah : 36
وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِمَن يَرَىٰ
at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita –
Ayah : 37
فَأَمَّا مَن طَغَىٰ
hinggil sa sinumang nagmalabis
Ayah : 38
وَءَاثَرَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
at nagtangi sa buhay na pangmundo,
Ayah : 39
فَإِنَّ ٱلۡجَحِيمَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ
tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan;
Ayah : 40
وَأَمَّا مَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ وَنَهَى ٱلنَّفۡسَ عَنِ ٱلۡهَوَىٰ
hinggil sa sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya,
Ayah : 41
فَإِنَّ ٱلۡجَنَّةَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ
tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.
Ayah : 42
يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَا
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon?
Ayah : 43
فِيمَ أَنتَ مِن ذِكۡرَىٰهَآ
Nasa ano ka para bumanggit niyon?
Ayah : 44
إِلَىٰ رَبِّكَ مُنتَهَىٰهَآ
Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan [ng kaalaman] niyon.
Ayah : 45
إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرُ مَن يَخۡشَىٰهَا
Ikaw ay isang tagapagbabala lamang ng sinumang natatakot doon.
Ayah : 46
كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَهَا لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا عَشِيَّةً أَوۡ ضُحَىٰهَا
Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi [sa Mundo] maliban sa isang hapon o isang umaga nito.
Matagumpay na Naipadala