Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an

Filipino (Tagalog) Translation

Scan the qr code to link to this page

سورة المرسلات - Sūrah Al-Mursalāt (Ang mga Isinusugo)

Numero ng Pahina

Ayah

Paglalahad ng Teksto ng Ayah
Paglalahad ng Talababa

Ayah : 1
وَٱلۡمُرۡسَلَٰتِ عُرۡفٗا
Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod,
Ayah : 2
فَٱلۡعَٰصِفَٰتِ عَصۡفٗا
saka sa mga [hanging] umuunos sa isang pag-unos;
Ayah : 3
وَٱلنَّٰشِرَٰتِ نَشۡرٗا
sumpa man sa mga [hanging] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagkakalat,
Ayah : 4
فَٱلۡفَٰرِقَٰتِ فَرۡقٗا
saka sa mga [anghel na] nagbubukod sa isang pagbubukod,
Ayah : 5
فَٱلۡمُلۡقِيَٰتِ ذِكۡرًا
saka sa mga [anghel na] naghahatid ng isang paalaala
Ayah : 6
عُذۡرًا أَوۡ نُذۡرًا
bilang pagdadahilan [sa tao] o bilang pagbabala [sa tao];
Ayah : 7
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٞ
tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang magaganap.
Ayah : 8
فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتۡ
Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi,
Ayah : 9
وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتۡ
kapag ang langit ay biniyak,
Ayah : 10
وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ نُسِفَتۡ
kapag ang mga bundok ay pinalis,
Ayah : 11
وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتۡ
at kapag ang mga sugo ay tinaningan,
Ayah : 12
لِأَيِّ يَوۡمٍ أُجِّلَتۡ
para sa aling araw inantala sila?
Ayah : 13
لِيَوۡمِ ٱلۡفَصۡلِ
Para sa Araw ng Pagpapasya.
Ayah : 14
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya?
Ayah : 15
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihatid ng mga sugo]!
Ayah : 16
أَلَمۡ نُهۡلِكِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Hindi ba Kami nagpahamak sa mga sinauna?
Ayah : 17
ثُمَّ نُتۡبِعُهُمُ ٱلۡأٓخِرِينَ
Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga huli.
Ayah : 18
كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ
Gayon ang ginagawa Namin sa mga salarin.
Ayah : 19
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa banta ni Allāh]!

Ayah : 20
أَلَمۡ نَخۡلُقكُّم مِّن مَّآءٖ مَّهِينٖ
Hindi ba Kami lumikha sa inyo mula sa likidong aba,
Ayah : 21
فَجَعَلۡنَٰهُ فِي قَرَارٖ مَّكِينٍ
saka naglagay Kami niyon sa isang pamamalagiang matibay [na sinapupunan]
Ayah : 22
إِلَىٰ قَدَرٖ مَّعۡلُومٖ
hanggang sa isang panahong nalalaman?
Ayah : 23
فَقَدَرۡنَا فَنِعۡمَ ٱلۡقَٰدِرُونَ
Saka nagtakda Kami, saka kay inam ang Tagapagtakda![705]
[705] O Nakaya Namin; kay inam na Makapangyarihan Kami.
Ayah : 24
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa kakayahan ni Allāh]!
Ayah : 25
أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ كِفَاتًا
Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan
Ayah : 26
أَحۡيَآءٗ وَأَمۡوَٰتٗا
ng mga buhay at ng mga patay?
Ayah : 27
وَجَعَلۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ شَٰمِخَٰتٖ وَأَسۡقَيۡنَٰكُم مَّآءٗ فُرَاتٗا
Naglagay Kami rito ng mga matatag na bundok na matatayog at nagpainom Kami sa inyo ng isang tubig tabang.
Ayah : 28
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa mga biyaya ni Allāh]!
Ayah : 29
ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
[Sasabihin]: “Humayo kayo tungo sa [pagdurusang] dati ninyong pinasisinungalingan.
Ayah : 30
ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ ظِلّٖ ذِي ثَلَٰثِ شُعَبٖ
Humayo kayo tungo sa anino [ng usok] na may tatlong sangay,
Ayah : 31
لَّا ظَلِيلٖ وَلَا يُغۡنِي مِنَ ٱللَّهَبِ
na hindi panlilim ni makapagpapakinabang laban sa liyab.”
Ayah : 32
إِنَّهَا تَرۡمِي بِشَرَرٖ كَٱلۡقَصۡرِ
Tunay na ito ay nagtatapon ng mga alipato na gaya ng palasyo.
Ayah : 33
كَأَنَّهُۥ جِمَٰلَتٞ صُفۡرٞ
Para bang ang mga ito ay mga itim na kamelyong naninilaw.
Ayah : 34
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa pagdurusang dulot ni Allāh]!
Ayah : 35
هَٰذَا يَوۡمُ لَا يَنطِقُونَ
Ito ay Araw na hindi sila bibigkas,
Ayah : 36
وَلَا يُؤۡذَنُ لَهُمۡ فَيَعۡتَذِرُونَ
at hindi magpapahintulot sa kanila para magdahi-dahilan sila.
Ayah : 37
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa mga ulat hinggil sa Araw na iyan]!
Ayah : 38
هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِۖ جَمَعۡنَٰكُمۡ وَٱلۡأَوَّلِينَ
Ito ay Araw ng Pagpapasya; magtitipon Kami sa inyo at sa mga sinauna.
Ayah : 39
فَإِن كَانَ لَكُمۡ كَيۡدٞ فَكِيدُونِ
Kaya kung nagkaroon kayo ng isang panlalansi ay manlansi kayo sa Akin.
Ayah : 40
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa Araw ng Pagpapasya]!
Ayah : 41
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي ظِلَٰلٖ وَعُيُونٖ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga lilim at mga bukal [sa Paraiso],
Ayah : 42
وَفَوَٰكِهَ مِمَّا يَشۡتَهُونَ
at mga prutas mula sa anumang ninanasa nila.
Ayah : 43
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
[Sasabihin]: “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyo ginagawa [na maayos].”
Ayah : 44
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Tunay na Kami ay gayon gaganti sa mga tagagawa ng mabuti.
Ayah : 45
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihanda ni Allāh]!
Ayah : 46
كُلُواْ وَتَمَتَّعُواْ قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجۡرِمُونَ
[Sasabihin]: “Kumain kayo at magpakatamasa kayo nang kaunti; tunay na kayo ay mga salarin.”
Ayah : 47
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa pagganti sa kanila]!
Ayah : 48
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱرۡكَعُواْ لَا يَرۡكَعُونَ
Kapag sinabi sa kanila: “Yumukod kayo,” hindi sila yumuyukod.
Ayah : 49
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihatid ng mga sugo]!
Ayah : 50
فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَهُۥ يُؤۡمِنُونَ
Kaya sa aling pag-uusap matapos [ng Qur’ān na] ito sasampalataya sila?
Matagumpay na Naipadala