Ayah :
11
يُبَصَّرُونَهُمۡۚ يَوَدُّ ٱلۡمُجۡرِمُ لَوۡ يَفۡتَدِي مِنۡ عَذَابِ يَوۡمِئِذِۭ بِبَنِيهِ
[bagamat] magkakitaan sila. Mag-aasam ang salarin na kung sana tutubusin siya mula sa isang pagdurusa sa Araw na iyon kapalit ng mga anak niya,
Ayah :
12
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَأَخِيهِ
at ng asawa niya at kapatid niya,
Ayah :
13
وَفَصِيلَتِهِ ٱلَّتِي تُـٔۡوِيهِ
at ng angkan niya na nagkakanlong sa kanya,
Ayah :
14
وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا ثُمَّ يُنجِيهِ
at ng sinumang nasa lupa nang lahatan, pagkatapos makapagliligtas ito sa kanya.
Ayah :
15
كَلَّآۖ إِنَّهَا لَظَىٰ
Aba’y hindi! Tunay na iyon ay Alab,[676]
Ayah :
16
نَزَّاعَةٗ لِّلشَّوَىٰ
na isang palatuklap ng anit,
Ayah :
17
تَدۡعُواْ مَنۡ أَدۡبَرَ وَتَوَلَّىٰ
na nag-aanyaya sa sinumang tumalikod [sa katotohanan] at nagpakalayu-layo,
Ayah :
18
وَجَمَعَ فَأَوۡعَىٰٓ
at umipon [ng yaman] at nag-imbak nito.
Ayah :
19
۞ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ خُلِقَ هَلُوعًا
Tunay na ang tao ay nilikha na ganid:
Ayah :
20
إِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ جَزُوعٗا
kapag sumaling sa kanya ang masama ay maligalig
Ayah :
21
وَإِذَا مَسَّهُ ٱلۡخَيۡرُ مَنُوعًا
at kapag sumaling sa kanya ang mabuti ay mapagkait,
Ayah :
22
إِلَّا ٱلۡمُصَلِّينَ
maliban sa mga nagdarasal,
Ayah :
23
ٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ دَآئِمُونَ
na sila, sa pagdarasal nila, ay mga palagian,
Ayah :
24
وَٱلَّذِينَ فِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ مَّعۡلُومٞ
at na [sila], sa mga yaman nila, ay may tungkuling nalalaman[677]
Ayah :
25
لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
para sa nanghihingi at napagkaitan,
Ayah :
26
وَٱلَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
at mga nagpapatotoo sa Araw ng Pagtutumbas,
Ayah :
27
وَٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ عَذَابِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ
at na sila, sa pagdurusang dulot ng Panginoon nila, ay mga nababagabag
Ayah :
28
إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمۡ غَيۡرُ مَأۡمُونٖ
– tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon nila ay walang natitiwasay –
Ayah :
29
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ
at na sila, sa mga ari nila, ay mga tagapag-ingat,
Ayah :
30
إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ
maliban sa mga maybahay nila o sa [babaing] minay-ari ng mga kanang kamay nila [ayon sa batas] sapagkat tunay sila ay hindi mga masisisi
Ayah :
31
فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ
– ngunit ang sinumang naghangad ng higit pa roon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag –
Ayah :
32
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ
at na sila, sa mga ipinagkakatiwala sa kanila at sa kasunduan sa kanila, ay mga nag-iingat,
Ayah :
33
وَٱلَّذِينَ هُم بِشَهَٰدَٰتِهِمۡ قَآئِمُونَ
at na sila, sa mga pagsasaksi nila, ay mga naninindigan,
Ayah :
34
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
at na sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga,
Ayah :
35
أُوْلَٰٓئِكَ فِي جَنَّٰتٖ مُّكۡرَمُونَ
ang mga iyon sa mga hardin ay mga pararangalan.
Ayah :
36
فَمَالِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قِبَلَكَ مُهۡطِعِينَ
Kaya ano ang mayroon sa mga tumangging sumampalataya na sa dako mo ay mga nagdadali-dali[678]
Ayah :
37
عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ عِزِينَ
sa gawing kanan at sa gawing kaliwa sa magkakahiwalay na umpukan?
Ayah :
38
أَيَطۡمَعُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُدۡخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٖ
Naghahangad ba ang bawat tao kabilang sa kanila na papasukin sa isang hardin ng kaginhawahan?
Ayah :
39
كَلَّآۖ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّمَّا يَعۡلَمُونَ
Aba’y hindi! Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa nalalaman nila.