Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an

Filipino (Tagalog) Translation

Scan the qr code to link to this page

سورة الواقعة - Sūrah Al-Wāqi`ah (Ang Magaganap)

Numero ng Pahina

Ayah

Paglalahad ng Teksto ng Ayah
Paglalahad ng Talababa

Ayah : 1
إِذَا وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ
Kapag naganap ang Magaganap,
Ayah : 2
لَيۡسَ لِوَقۡعَتِهَا كَاذِبَةٌ
para sa pagkaganap nito ay walang isang tagapagpasinungaling,
Ayah : 3
خَافِضَةٞ رَّافِعَةٌ
na magbababa [ng mananampalataya], mag-aangat [ng tagatangging sumampalataya].
Ayah : 4
إِذَا رُجَّتِ ٱلۡأَرۡضُ رَجّٗا
Kapag inalog ang lupa sa isang pag-aalog
Ayah : 5
وَبُسَّتِ ٱلۡجِبَالُ بَسّٗا
at dinurog ang mga bundok sa isang pagdurog,
Ayah : 6
فَكَانَتۡ هَبَآءٗ مُّنۢبَثّٗا
kaya magiging alikabok na kumakalat.
Ayah : 7
وَكُنتُمۡ أَزۡوَٰجٗا ثَلَٰثَةٗ
Kayo ay magiging tatlong uri.
Ayah : 8
فَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ
Kaya ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?
Ayah : 9
وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ
Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?
Ayah : 10
وَٱلسَّٰبِقُونَ ٱلسَّٰبِقُونَ
Ang mga tagapanguna [sa mga kabutihan] ay ang mga tagapanguna [sa Paraiso].
Ayah : 11
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Ang mga iyon ay ang mga inilapit [kay Allāh]
Ayah : 12
فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
sa mga hardin ng kaginhawahan.
Ayah : 13
ثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
Isang pangkat mula sa mga nauna [na yumakap sa Islām]
Ayah : 14
وَقَلِيلٞ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ
at kaunti mula sa mga nahuli,
Ayah : 15
عَلَىٰ سُرُرٖ مَّوۡضُونَةٖ
sa mga kamang pinalamutian [ng ginto],
Ayah : 16
مُّتَّكِـِٔينَ عَلَيۡهَا مُتَقَٰبِلِينَ
na mga nakasandal sa mga ito habang mga naghaharapan.

Ayah : 17
يَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ
May iikot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata],
Ayah : 18
بِأَكۡوَابٖ وَأَبَارِيقَ وَكَأۡسٖ مِّن مَّعِينٖ
na may mga baso, mga pitsel, at isang kopa mula sa isang alak [na dalisay] na dumadaloy,
Ayah : 19
لَّا يُصَدَّعُونَ عَنۡهَا وَلَا يُنزِفُونَ
na hindi sila pasasakitan [sa ulo] dahil sa mga ito at hindi sila lalanguin,
Ayah : 20
وَفَٰكِهَةٖ مِّمَّا يَتَخَيَّرُونَ
at bungang-kahoy mula sa pinili-pili nila,
Ayah : 21
وَلَحۡمِ طَيۡرٖ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ
at karne ng ibon kabilang sa ninanasa nila,
Ayah : 22
وَحُورٌ عِينٞ
at may mga dilag na magaganda ang mga mata,
Ayah : 23
كَأَمۡثَٰلِ ٱللُّؤۡلُوِٕ ٱلۡمَكۡنُونِ
na gaya ng mga tulad ng mga perlas na itinatago,
Ayah : 24
جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
bilang ganti sa dati nilang ginagawa [na maganda].
Ayah : 25
لَا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوٗا وَلَا تَأۡثِيمًا
Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni ng pagpapakasalanan
Ayah : 26
إِلَّا قِيلٗا سَلَٰمٗا سَلَٰمٗا
maliban sa pagsasabi ng [pagbati ng] kapayapaan, kapayapaan!
Ayah : 27
وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ
Ang mga kasamahan ng kanan, ano ang mga kasamahan ng kanan?
Ayah : 28
فِي سِدۡرٖ مَّخۡضُودٖ
[Sila ay] nasa mga [punong] Sidrah na pinutulan [ng mga tinik]
Ayah : 29
وَطَلۡحٖ مَّنضُودٖ
at mga [punong] saging na nagkapatung-patong [ang mga bunga],
Ayah : 30
وَظِلّٖ مَّمۡدُودٖ
at sa lilim na inilatag,
Ayah : 31
وَمَآءٖ مَّسۡكُوبٖ
at tubig na pinadaloy,
Ayah : 32
وَفَٰكِهَةٖ كَثِيرَةٖ
at prutas na marami,
Ayah : 33
لَّا مَقۡطُوعَةٖ وَلَا مَمۡنُوعَةٖ
hindi pinuputol at hindi pinipigilan,
Ayah : 34
وَفُرُشٖ مَّرۡفُوعَةٍ
at sa mga higaang iniangat.
Ayah : 35
إِنَّآ أَنشَأۡنَٰهُنَّ إِنشَآءٗ
Tunay na Kami ay nagpaluwal sa kanila[604] sa isang [pambihirang] pagpapaluwal,
[604] sa mga kabiyak nila noon sa Mundo, na pumasok kasama nila sa Paraiso.
Ayah : 36
فَجَعَلۡنَٰهُنَّ أَبۡكَارًا
saka gumawa sa kanila na mga birhen,
Ayah : 37
عُرُبًا أَتۡرَابٗا
na malalambing na magkakasinggulang,
Ayah : 38
لِّأَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
para sa mga kasamahan sa kanan.
Ayah : 39
ثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
Isang pangkat mula sa mga nauna
Ayah : 40
وَثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ
at isang pangkat mula sa mga nahuli.
Ayah : 41
وَأَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ
Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa,[605] ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?
[605] na ang mga talaan ay ibibigay mula sa kaliwang tagiliran nila: ang mga manihirahan sa Impiyerno.
Ayah : 42
فِي سَمُومٖ وَحَمِيمٖ
[Sila ay] nasa nakapapasong hangin at nakapapasong tubig,
Ayah : 43
وَظِلّٖ مِّن يَحۡمُومٖ
at isang lilim ng isang usok na pagkaitim-itim,
Ayah : 44
لَّا بَارِدٖ وَلَا كَرِيمٍ
hindi malamig at hindi marangal.
Ayah : 45
إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُتۡرَفِينَ
Tunay na sila dati bago niyon ay mga pinariwasa.
Ayah : 46
وَكَانُواْ يُصِرُّونَ عَلَى ٱلۡحِنثِ ٱلۡعَظِيمِ
Sila dati ay nagpupumilit ng kabuktutang sukdulan.[606]
[606] ng kawalang-pananampalataya kay Allāh
Ayah : 47
وَكَانُواْ يَقُولُونَ أَئِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ
Sila dati ay nagsasabi: “Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin,
Ayah : 48
أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ
at ang mga ninuno naming sinauna?”
Ayah : 49
قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَوَّلِينَ وَٱلۡأٓخِرِينَ
Sabihin mo: “Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli
Ayah : 50
لَمَجۡمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَٰتِ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ
ay talagang mga titipunin sa isang takdang oras ng isang araw na nalalaman.”

Ayah : 51
ثُمَّ إِنَّكُمۡ أَيُّهَا ٱلضَّآلُّونَ ٱلۡمُكَذِّبُونَ
Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga nagpapasinungaling [sa Pagkabuhay]
Ayah : 52
لَأٓكِلُونَ مِن شَجَرٖ مِّن زَقُّومٖ
ay talagang mga kakain mula sa mga puno ng Zaqqūm,
Ayah : 53
فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ
saka mga magpupuno mula sa mga iyon ng mga tiyan,
Ayah : 54
فَشَٰرِبُونَ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡحَمِيمِ
saka mga iinom sa mga ito mula sa nakapapasong tubig,
Ayah : 55
فَشَٰرِبُونَ شُرۡبَ ٱلۡهِيمِ
saka mga iinom nang pag-inom ng mga uhaw na kamelyo!”
Ayah : 56
هَٰذَا نُزُلُهُمۡ يَوۡمَ ٱلدِّينِ
Ito ay pang-aliw nila sa Araw ng Pagtutumbas.
Ayah : 57
نَحۡنُ خَلَقۡنَٰكُمۡ فَلَوۡلَا تُصَدِّقُونَ
Kami ay lumikha sa inyo kaya bakit kaya hindi kayo naniniwala?
Ayah : 58
أَفَرَءَيۡتُم مَّا تُمۡنُونَ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]?
Ayah : 59
ءَأَنتُمۡ تَخۡلُقُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡخَٰلِقُونَ
Kayo ba ay lumilikha niyon [bilang tao] o Kami ay ang Tagalikha?
Ayah : 60
نَحۡنُ قَدَّرۡنَا بَيۡنَكُمُ ٱلۡمَوۡتَ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ
Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan at Kami ay hindi nauunahan
Ayah : 61
عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ أَمۡثَٰلَكُمۡ وَنُنشِئَكُمۡ فِي مَا لَا تَعۡلَمُونَ
na magpalit Kami ng mga tulad [ng mga anyo] ninyo at [muling] magpaluwal Kami sa inyo sa [mga anyong] hindi ninyo nalalaman.
Ayah : 62
وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُولَىٰ فَلَوۡلَا تَذَكَّرُونَ
Talaga ngang nalaman ninyo ang unang pagpapaluwal, kaya bakit kaya hindi kayo nagsasaalaala?
Ayah : 63
أَفَرَءَيۡتُم مَّا تَحۡرُثُونَ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupunla ninyo?
Ayah : 64
ءَأَنتُمۡ تَزۡرَعُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلزَّٰرِعُونَ
Kayo ba ay nagtatanim niyon o Kami ay ang Tagapagtanim?
Ayah : 65
لَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَٰهُ حُطَٰمٗا فَظَلۡتُمۡ تَفَكَّهُونَ
Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa saka kayo ay magiging nagugulantang,
Ayah : 66
إِنَّا لَمُغۡرَمُونَ
[na magsasabi]: “Tunay na kami ay talagang mga mamultahan;[607]
[607] dahil sa pagkalugi ng ginugol namin
Ayah : 67
بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ
bagkus kami ay mga pinagkaitan!”
Ayah : 68
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلۡمَآءَ ٱلَّذِي تَشۡرَبُونَ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na iniinom ninyo?
Ayah : 69
ءَأَنتُمۡ أَنزَلۡتُمُوهُ مِنَ ٱلۡمُزۡنِ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنزِلُونَ
Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap o Kami ay ang Tagapagpababa?
Ayah : 70
لَوۡ نَشَآءُ جَعَلۡنَٰهُ أُجَاجٗا فَلَوۡلَا تَشۡكُرُونَ
Kung sakaling niloloob Namin ay ginawa sana Namin iyon na maalat, kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat?
Ayah : 71
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلنَّارَ ٱلَّتِي تُورُونَ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaniningas ninyo?
Ayah : 72
ءَأَنتُمۡ أَنشَأۡتُمۡ شَجَرَتَهَآ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنشِـُٔونَ
Kayo ba ay nagpapaluwal ng punong-kahoy [na nagpapaningas] nito o Kami ay ang Tagapagpaluwal?
Ayah : 73
نَحۡنُ جَعَلۡنَٰهَا تَذۡكِرَةٗ وَمَتَٰعٗا لِّلۡمُقۡوِينَ
Kami ay gumawa nito bilang pagpapaalaala at bilang natatamasa para sa mga naglalakbay.
Ayah : 74
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.
Ayah : 75
۞ فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَوَٰقِعِ ٱلنُّجُومِ
Kaya nanunumpa Ako sa mga lubugan ng mga bituin,
Ayah : 76
وَإِنَّهُۥ لَقَسَمٞ لَّوۡ تَعۡلَمُونَ عَظِيمٌ
at tunay na ito ay talagang isang panunumpa – kung sakaling nalalaman ninyo – na sukdulan.

Ayah : 77
إِنَّهُۥ لَقُرۡءَانٞ كَرِيمٞ
Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān marangal,
Ayah : 78
فِي كِتَٰبٖ مَّكۡنُونٖ
na nasa isang Aklat na itinatago,[608]
[608] Ibig sabihin: ang Tablerong Iniingatan.
Ayah : 79
لَّا يَمَسُّهُۥٓ إِلَّا ٱلۡمُطَهَّرُونَ
na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay,
Ayah : 80
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang.
Ayah : 81
أَفَبِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَنتُم مُّدۡهِنُونَ
Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala?
Ayah : 82
وَتَجۡعَلُونَ رِزۡقَكُمۡ أَنَّكُمۡ تُكَذِّبُونَ
Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.
Ayah : 83
فَلَوۡلَآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلۡحُلۡقُومَ
Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan
Ayah : 84
وَأَنتُمۡ حِينَئِذٖ تَنظُرُونَ
habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin?
Ayah : 85
وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنكُمۡ وَلَٰكِن لَّا تُبۡصِرُونَ
Kami[609] ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita.
[609] sa pamamagitan ng kaalaman Namin, kakayahan Namin, at mga anghel Namin
Ayah : 86
فَلَوۡلَآ إِن كُنتُمۡ غَيۡرَ مَدِينِينَ
Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin –
Ayah : 87
تَرۡجِعُونَهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
kayo nagpapabalik [ng kaluluwa sa katawan] nito kung kayo ay mga tapat.
Ayah : 88
فَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
Kaya hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh],
Ayah : 89
فَرَوۡحٞ وَرَيۡحَانٞ وَجَنَّتُ نَعِيمٖ
[ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan.
Ayah : 90
وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan,
Ayah : 91
فَسَلَٰمٞ لَّكَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
[magsasabi ang mga anghel sa kanya]: “Kapayapaan ay ukol sa iyo na kabilang sa mga kasamahan ng kanan.”
Ayah : 92
وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُكَذِّبِينَ ٱلضَّآلِّينَ
Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling na naliligaw,
Ayah : 93
فَنُزُلٞ مِّنۡ حَمِيمٖ
[ukol sa kanya ay] isang pang-aliw mula sa nakapapasong tubig
Ayah : 94
وَتَصۡلِيَةُ جَحِيمٍ
at isang pagpapasok sa Impiyerno.
Ayah : 95
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ حَقُّ ٱلۡيَقِينِ
Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan.
Ayah : 96
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.
Matagumpay na Naipadala