Sa Araw na makakikita kayo rito, malilingat ang bawat tagapasuso sa pinasuso nito, maglalaglag ang bawat may dala [sa sinapupunan] ng dinadala nito, at makakikita ka sa mga tao na mga lasing samantalang hindi sila lasing, subalit ang pagdurusang dulot ni Allāh ay matindi.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
O mga tao, kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa pagbubuhay, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos mula sa isang kimpal na laman na inanyuan at hindi inanyuan, upang maglinaw Kami para sa inyo.[335] Nagpapanatili Kami sa mga sinapupunan ng niloloob Namin hanggang sa isang taning na tinukoy, pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa katindihan ninyo. Mayroon sa inyo na pinapapanaw at mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos na ng isang kaalaman, ng anuman. Nakakikita ka na ang lupa ay patay, ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito, lumalago ito, at nagpapatubo ito ng bawat uring marilag.
[335] ng kakayahin Namin sa paglikha sa inyo sa mga yugto.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Nagbabaluktot ng leeg niya [sa kapalaluan] upang magligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanya sa Mundo ay isang kahihiyan. Magpapalasap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusa sa pagsunog.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Mayroon sa mga tao na sumasamba kay Allāh sa isang gilid.[336] Kaya kapag may tumama sa kanya na isang mabuti, napapanatag siya rito; at kapag may tumama sa kanya na isang pagsubok, umuuwi siya sa [dating] mukha niya. Nalugi siya sa Mundo at Kabilang-buhay. Iyon ay ang pagkaluging malinaw.
[336] sa isang kahinaan at isang pagdududa
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Dumadalangin siya sa talagang ang pagpinsala nito ay higit na malapit kaysa sa pagpapakinabang nito. Talagang kay saklap ang pinagpapatangkilikan at talagang kay saklap ang kapisan!
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Ang sinumang nagpapalagay na hindi mag-aadya si Allāh [sa Propeta] sa Mundo at Kabilang-buhay ay magpaabot siya ng isang tali sa bubong. Pagkatapos putulin niya [ito] saka tumingin siya: mag-aalis nga kaya ang panlalansi niya ng anumang nagpapangitngit [sa kanya]?
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Tunay na ang mga sumampalataya,[338] ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeano, ang mga Kristiyano, ang mga Mago, at ang mga nagtambal [kay Allāh], tunay na si Allāh ay magbubukod sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.
[338] Ibig sabihin: ang mga Muslim.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Hindi mo ba napag-alaman na kay Allāh ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao. May marami na nagindapat sa kanila ang pagdurusa. Ang sinumang hinahamak ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Ang dalawang ito[339] ay magkaalitan na nag-aalitan hinggil sa Panginoon nila. Ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay may pagpuputul-putulin para sa kanila na mga damit mula sa apoy. Ibubuhos mula sa ibabaw ng mga ulo nila ang nakapapasong tubig.
[339] na pangkat ng mga alagad ng pananampalataya at pagngkat ng mga alagad ng kawalang-pananampalataya
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Salin sa Wikang Pranses ng Al-Muntada Al-Islami
French Translation - Rashid Maash
Filipino (Tagalog) Translation
Ayah :
20
يُصۡهَرُ بِهِۦ مَا فِي بُطُونِهِمۡ وَٱلۡجُلُودُ
Malulusaw sa pamamagitan nito ang nasa mga tiyan nila at ang mga balat.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Salin sa Wikang Pranses ng Al-Muntada Al-Islami
French Translation - Rashid Maash
Filipino (Tagalog) Translation
Ayah :
21
وَلَهُم مَّقَٰمِعُ مِنۡ حَدِيدٖ
Para [sa pagpalo] sa kanila ay mga pambambo yari sa bakal.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Sa tuwing magnanais sila na lumabas mula roon dahil sa pighati ay panunumbalikin sila roon at [sasabihin]: “Lasapin ninyo ang pagdurusa ng pagsusunog.”
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Tunay na si Allāh ay magpapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Gagayakan sila roon ng mga pulseras na ginto at mga perlas. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh at Masjid na Pinakababanal na ginawa Namin para sa mga tao na magkapantay ang namimintuho roon at ang dumadayo. Ang sinumang nagnanais doon ng isang paglapastangan sa pamamagitan ng isang kawalang-katarungan ay magpapalasap Kami sa kanya ng isang pagdurusang masakit.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
[Banggitin] noong nagtalaga Kami para kay Abraham ng pook ng Bahay,[340] na [nagsasabi]: “Huwag kang magtambal sa Akin ng anuman at magdalisay ka ng Bahay Ko para sa mga pumapalibot, mga tumatayo [sa pagdarasal], at mga tagayukod na nagpapatirapa.
[340] Ibig sabihin: ang Ka`bah sa Makkah.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Magpahayag ka sa mga tao [ng pagkatungkulin] ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
upang makasaksi sila ng mga pakinabang para sa kanila at bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa mga araw na nalalaman dahil sa itinustos Niya sa kanila na hayop na mga panghayupan. Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Iyon [ang kautusan]; at ang sinumang gumagalang sa mga binabanal ni Allāh, iyon ay higit na mabuti para sa kanya sa ganang Panginoon niya. Ipinahintulot para sa inyo ang mga hayupan maliban sa [bawal na] binabanggit[341] sa inyo. Kaya umiwas kayo sa kasalaulaan mula sa mga diyus-diyusan at umiwas kayo sa pagsabi ng kabulaanan [laban kay Allāh at sa nilikha Niya],
[341] sa Qur’ān 5:3
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
bilang mga makatotoo kay Allāh, na hindi mga tagapagtambal sa Kanya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay para bang bumagsak siya mula sa langit kaya dadagit sa kanya ang mga ibon o tatangay sa kanya ang hangin sa isang pook na liblib.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Ukol sa inyo sa mga [alay na] ito ay mga pakinabang hanggang sa isang taning na tinukoy. Pagkatapos ang oras ng [pagkatay sa] mga ito ay pagkalapit sa Bahay na Matanda.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang pamamaraan upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa itinustos Niya sa kanila na hayop ng mga hayupan sapagkat ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos kaya sa Kanya ay magpasakop kayo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagmamababang-loob,
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
na kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila, na mga tagapagtiis sa anumang tumama sa kanila, na mga tagapanatili ng dasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Ang mga kamelyo at mga baka ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ni Allāh; ukol sa inyo sa mga ito ay mabuti. Kaya bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa mga ito habang mga nakahanay. Kaya kapag bumagsak ang mga tagiliran ng mga ito [matapos katayin] ay kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo ng nagkakasya at nagpapalimos. Gayon Kami nagpasilbi ng mga ito para sa inyo nang sa gayon kayo magpapasalamat.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Hindi makararating kay Allāh ang mga laman ng mga ito ni ang mga dugo ng mga ito, subalit nakararating sa Kanya ang pangingilag magkasala mula sa inyo. Gayon nagpasilbi ng mga ito para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga tagagawa ng maganda.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Ipinahintulot [ang pakikipaglaban] para sa mga [mananampalatayang] kinakalaban dahil sila ay nilabag sa katarungan. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa kanila ay talagang May-kakayahan.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
[Sila] ang mga pinalisan mula sa mga tahanan nila nang walang karapatan maliban na nagsabi sila: “Ang Panginoon namin ay si Allāh.” Kung hindi sa pagsupil ni Allāh sa mga tao, sa iba sa kanila sa pamamagitan ng iba pa, talaga sanang may winasak na mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga masjid na binabanggit sa mga ito ang pangalan ni Allāh nang madalas. Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
[Sila] ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa ay magpapanatili ng pagdarasal, magbibigay ng zakāh, mag-uutos ng nakabubuti, at sasaway sa nakasasama. Sa kay Allāh ang [mabuting] kahihinatnan ng mga bagay.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
at ang mga naninirahan sa Madyan. Pinasinungalingan si Moises kaya nagpatagal Ako para sa mga tagatangging sumampalataya, pagkatapos dumaklot Ako sa kanila kaya papaano naging ang pagtutol Ko?
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Kaya kay rami nang pamayanan na nagpahamak Kami nito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan kaya ito ay nakaguho sa mga bubong na ito, [kay rami nang] balon na pinabayaan, at [kay rami nang] palasyong pinatayog.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Kaya hindi ba sila naglakbay sa lupain para magkaroon sila ng mga pusong nakapag-uunawa sila sa pamamagitan ng mga ito o ng mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Tunay na ang mga [matang] ito ay hindi nabubulag ang mga paningin subalit nabubulag ang mga puso na nasa mga dibdib.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Humihiling sila sa iyo ng pagmamadali sa pagdurusa at hindi sisira si Allāh sa pangako Niya. Tunay na ang isang araw sa ganang Panginoon mo ay gaya ng isang libong taon mula sa binibilang ninyo.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Kaya may ilan nang pamayanan na nagpatagal Ako rito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan. Pagkatapos dumaklot Ako rito, at tungo sa Akin ang hantungan.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Ang mga nagsikap sa [pagpapasinungaling] mga tanda Namin habang mga nagtatangkang magpawalang-kakayahan, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng isang sugo ni isang propeta malibang kapag bumigkas siya ay nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas niya, ngunit nagpapawalang-bisa si Allāh sa ipinupukol ng demonyo. Pagkatapos nagpapatibay si Allāh sa mga tanda Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
[Iyan ay] upang gumawa Siya sa ipinupukol ng demonyo bilang pagsubok para sa mga may sakit [ng pagdududa] sa mga puso nila at matigas ang mga puso nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay talagang nasa isang hidwaang malayo.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
[Iyan ay] upang makaalam ang mga binigyan ng kaalaman na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo para sumampalataya sila rito para magmababang-loob rito ang mga puso nila. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay sa mga sumampalataya tungo sa isang landasing tuwid.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Hindi tumitigil na ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pag-aalangan dito hanggang sa pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan o pumunta sa kanila ang isang pagdurusa sa isang araw na mapanira.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; hahatol Siya sa pagitan nila. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga hardin ng kaginhawahan.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Ang mga lumikas sa landas ni Allāh, pagkatapos napatay sila o namatay sila, ay talagang magtutustos sa kanila si Allāh ng isang panustos na maganda. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Iyon nga. Ang sinumang nagpasakit ng tulad sa ipinasakit sa kanya, pagkatapos siniil siya, talagang mag-aadya nga sa kanya si Allāh. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at dahil si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng anumang nasa lupa at ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya. Pumipigil Siya sa langit na bumagsak ito sa lupa malibang ayon sa pahintulot Niya. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Siya ay ang nagbigay-buhay sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo. Tunay na ang tao ay talagang mapagtangging magpasalamat [sa mga biyaya ni Allāh].
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang panuntunan na sila ay nagsasagawa nito kaya huwag nga silang makipagtunggali sa iyo sa usapin. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo; tunay na ikaw ay talagang nasa isang patnubay na tuwid.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi Siya nagbababa hinggil doon ng isang katunayan at na walang ukol sa kanila hinggil doon na isang kaalaman. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na isang mapag-adya.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay, makikilala mo sa mga mukha ng mga tumangging sumampalataya ang pagtutol. Halos lumantak sila sa mga bumibigkas sa kanila ng mga tanda Namin. Sabihin mo: “Kaya magbabalita ba ako sa inyo hinggil sa higit na masama kaysa roon? Ang apoy ay ipinangako ni Allāh sa mga tumangging sumampalataya. Kay saklap ang hantungan!”
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
O mga tao, may inilahad na isang paghahalintulad kaya makinig kayo roon. Tunay na ang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi makalilikha ng isang langaw, kahit pa nagkaisa sila para roon. Kung mangangagaw sa kanila ang langaw ng isang bagay ay hindi sila makapapasagip niyon mula rito. Humina ang humuhuli at ang hinuhuli.
Salin sa Wikang Ingles ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin
Salin sa Wikang Ingles ng Sahih International
Salin sa Wikang Ingles nina Taqiyuddin Hilali at Muhsin Khan.
Makibaka kayo alang-alang kay Allāh nang totoong pakikibaka. Siya ay humalal sa inyo at hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa, bilang kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham. Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim bago pa niyan at sa [Qur’ān na] ito upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa mga tao. Kaya magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at mangunyapit kayo kay Allāh. Siya ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo! Kaya kay inam ang Pinagpapatangkilikan at kay inam ang Mapag-adya!