Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an

Filipino (Tagalog) Translation

Scan the qr code to link to this page

سورة الماعون - Sūrah Al-Mā`ūn (Ang Munting Tulong)

Numero ng Pahina

Ayah

Paglalahad ng Teksto ng Ayah
Paglalahad ng Talababa

Ayah : 1
أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يُكَذِّبُ بِٱلدِّينِ
Nakakita ka ba sa nagpapasinungaling sa pagtutumbas?
Ayah : 2
فَذَٰلِكَ ٱلَّذِي يَدُعُّ ٱلۡيَتِيمَ
Sapagkat iyon ay ang nagsasalya sa ulila
Ayah : 3
وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
at hindi nanghihikayat sa pagpapakain sa dukha.
Ayah : 4
فَوَيۡلٞ لِّلۡمُصَلِّينَ
Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal,
Ayah : 5
ٱلَّذِينَ هُمۡ عَن صَلَاتِهِمۡ سَاهُونَ
na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,[743]
[743] Ibig sabihin: nagwawalang-bahala hanggang sa matapos ang oras nito.
Ayah : 6
ٱلَّذِينَ هُمۡ يُرَآءُونَ
na sila ay nagpapakitang-tao
Ayah : 7
وَيَمۡنَعُونَ ٱلۡمَاعُونَ
at nagkakait ng munting tulong.
Matagumpay na Naipadala