Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an

Filipino (Tagalog) Translation

Scan the qr code to link to this page

سورة التكاثر - Sūrah At-Takāthur (Ang Pagpaparamihan)

Numero ng Pahina

Ayah

Paglalahad ng Teksto ng Ayah
Paglalahad ng Talababa

Ayah : 1
أَلۡهَىٰكُمُ ٱلتَّكَاثُرُ
Nagpalibang sa inyo ang [makamundong] pagpaparamihan
Ayah : 2
حَتَّىٰ زُرۡتُمُ ٱلۡمَقَابِرَ
hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.[741]
[741] hanggang sa namatay kayo at nanatili kayo sa mga libingan hanggang sa Araw ng Pagbangon.
Ayah : 3
كَلَّا سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Aba’y hindi! Malalaman ninyo.
Ayah : 4
ثُمَّ كَلَّا سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Pagkatapos, aba’y hindi! Malalaman ninyo.
Ayah : 5
كَلَّا لَوۡ تَعۡلَمُونَ عِلۡمَ ٱلۡيَقِينِ
Aba’y hindi! Kung sakaling nalalaman ninyo nang may kaalaman ng katiyakan,
Ayah : 6
لَتَرَوُنَّ ٱلۡجَحِيمَ
talagang makikita nga ninyo ang Impiyerno.
Ayah : 7
ثُمَّ لَتَرَوُنَّهَا عَيۡنَ ٱلۡيَقِينِ
Pagkatapos talagang makikita nga ninyo iyon nang may mata ng katiyakan.
Ayah : 8
ثُمَّ لَتُسۡـَٔلُنَّ يَوۡمَئِذٍ عَنِ ٱلنَّعِيمِ
Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan [na ipinatamasa Niya sa inyo].
Matagumpay na Naipadala