Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an

Filipino (Tagalog) Translation

Scan the qr code to link to this page

سورة الفاتحة - Sūrah Al-Fātiḥah (Ang Tagapagbukas)

Numero ng Pahina

Ayah

Paglalahad ng Teksto ng Ayah
Paglalahad ng Talababa

Ayah : 1
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Sa ngalan ni Allāh,[1] ang Napakamaawain, ang Maawain.
[1] Ang pangalang Allāh ay pangngalang pantanging ukol lamang sa tunay na Diyos.
Ayah : 2
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon[2] ng mga nilalang,[3]
[2] Ang Panginoon (Rabb sa wikang Arabe) ay ang Tagapag-alaga, ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, at ang Tagapangsiwa. [3] Ang nilalang (`ālam sa wikang Arabe) ay ang bawat anumang iba pa kay Allāh, gaya ng tao, jinn, anghel, at iba pa.
Ayah : 3
ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ang Napakamaawain, ang Maawain,
Ayah : 4
مَٰلِكِ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.
Ayah : 5
إِيَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِيَّاكَ نَسۡتَعِينُ
Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
Ayah : 6
ٱهۡدِنَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid:
Ayah : 7
صِرَٰطَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِمۡ غَيۡرِ ٱلۡمَغۡضُوبِ عَلَيۡهِمۡ وَلَا ٱلضَّآلِّينَ
ang landasin ng mga biniyayaan[4] Mo,[5] hindi ng mga kinagalitan,[6] at hindi ng mga naliligaw.[7]
[4] Ang mga biniyayaan dito ay ang mga propeta, ang mga nagpapakatotoo, mga martir, at mga maayos. [5] Sa istilo ng pagsasalin dito, ang mga panghalip na nagsisimula sa malaking titik gaya ng Ako, Ko, Akin, Ikaw, Mo, Iyo ay tumutukoy kay Allāh. [6] Sila ay ang mga nakakilala sa katotohanan at hindi sumunod dito. [7] Sila ay ang mga naligaw sa katotohan, na hindi napatnubayan.
Matagumpay na Naipadala